Huwebes, Disyembre 1, 2011

Starbucks Planner 2012




Eto na uli ang inaabangan ng karamihan, ang Starbucks Planner 2012. Last year nangulekta din ako ng stickers, ang pinili ko ay Stainless Steel, this year hindi ko pa alam kung ano ang kukunin ko.

Planner Last year ay hindi ko nagustuhan, mabilis mabakbak or magtuklap yun cover nya and masyadong malaki. May kabigatan at kelangan mo ng malaking bag kung lagi mo syang dadalhin. Sa opinyon ko, mas gusto ko yung planner ngayon, parang mas handy sya dahil maliit at manipis kung ikukumpara sa nakaarang planner.

Eto ang mga option para makakuha ng Starbucks Planner 2012
  • Buy 9 Christmas Beverages and 8 Core Beverages = 17 Stickers
  • Buy 23 Core Beverages
Hindi ako mahilig sa Christmas Beverages dahil hindi ko magustuhan ang lasa, kaya laging order ay White Chocolate Mocha.

3 Stickers nalang ang kulang, tatlong inom ng kape para ma-claim  na ang Starbucks Planner 2012. 


Planner this year ay may isang design pero limang wood finishes:  Poplar, Bamboo, Cherry, Spruce and Oak. At may kasama pang free Sleves.

1 komento:

  1. i got the cherry design planner :D

    sure, i can add you on my blogroll :D

    TumugonBurahin