Biyernes, Disyembre 2, 2011

Bakit Ganun?



Unang bili ko ng Iphone ang price nya was $499, P45 pa ang palitan so it was P22,455. Iphone 2 lang yun nung year 2008. Ansaya saya ko nang mahawakan ko yan at hindi naman sa pagyayabang, ako pa lang ang my Iphone sa opisina namin at hindi pa sya release ng Globe that time. Nang lumabas ang Iphone 3 at Iphone 4, deadma lang dahil na-uupgrade ko pa naman ang Iphone2 ko at mas expensive na sila compared nung lumabas ang Iphone2 16GB anlaki ng difference ng price. 3 years had passed may biglaang pangyayari, unfortunately nawala sakin ang pinaka mamahal kong Iphone.


Nitong nakaraan lang nirelease ang Iphone 4S, biglang bagsak ang presyo ng Iphone 4. Laking tuwa ko dahil may pag asa ng makabili ng Iphone. P28,000 ang 32GB Black. Ayokong bumili ng Iphone 4s dahil ano naman gagawin ko kay SIRI, magkukwentuhan kami ng mga nonsense at kung ano anong kalokohan. Eh sabi pa nila kelangan english mo kausapin si SIRI, mahina pa naman ako dun, nakakanosebleed. Last month sobrang busy ko, at hindi ko sya naasikaso. Ngyon December kung kelan my time nako, bakit ganun biglang mahal uli sya, from P28k 32GB biglang P29K 16GB. Hayz, nakakabadtrip lang. Ang hirap pala kapag nasanay ka sa Iphone tapos magpapalit k ng ibang unit ng cellphone.

1 komento: