Sabado, Disyembre 10, 2011

Apat Na Senyales

Meron akong nabasa pero hindi ko na maalala kung saan. May apat na senyales na ang partner mo ay hindi pa nakaka move on sa past relationship nya.

Una: Kapag ayaw nyang pumunta sa mga lugar na dati nilang pinag de-date-an ng Ex nya. Or ayawkumain ng favorite food, ayaw mag suot ng favorite color, ayaw ng mga bagay na makakapag paalala sa kanya ng magandang memories at pangit na memories ng Ex nya.

Pangalawa: Kapag tinanong mo sya about sa Ex nya or kung gano kasakit ang nangyari eh ayaw kumibo, laging no comment. Ayaw magkwento ng positive or negative about sa Ex. At pinaka obvious kapag tinanong mo si partner kung galit pa ba sya or love pa ba nya eh hindi kumibo nakupo! alam na!

Pangatlo: Kapag nagtatawagan at nagkikita pa.. at lalong lalo na kapag BFF ang tawagan.. magduda ka na.

Pang apat: Kapag madalas sabihin ni partner na sobrang bait ni Ex or walang naging problema yun last relationship nya. Or lagi nyang pinagtatanggol, naku mahirap makipag compete sa Ex na yan.

Kayo anong sa tingin nyo?

1 komento:

  1. kaya dapat gawin ang lahat para hindi maghiwalay.....para walang ex,hehe.....

    TumugonBurahin